bunch of nonsense

i think, therefore I am (an RN)

ang litrato Abril 16, 2007

Filed under: my immortal life,onli pinoy ken rid dis,tear jerker — nixinne @ 7:53 hapon

binuksan ko ang aming mailbox bago ako pumasok sa kotse. papunta na kasi ako sa trabaho. matagal kong hinintay ang pagdating ng sulat na galing sa pilipinas. si che-che ang sumulat sa card pero ang mga litrato ang una kong kinulimbat mula sa sobre.

dalawang litrato ang nakita ko. ang unang litrato ay si che-che sa kanyang wedding gown, ang kanyang anak, at ang aking anak na si gabriel. “nakakatuwa naman!” sa isip-isip ko. naisip ko rin na napakasaya naman nilang tignan. araw kasi ng kasal ni che-che. nakangiti pa akong sinilip ang pangalawang litrato pero hindi ko inaasahan ang emosyong pumalaot sa kaloob-looban ng aking puso at pagkatao.

ang pangalawang litrato ay ang wedding picture nina che-che at nino kasama ng kanilang mga magulang at mga anak. si nino ay ang ama ng aking anak. alam ko naman ang kanilang pagpapakasal. hindi ba’t ako pa nga ang nangungulit sa kanila na magpatali na sa isa’t isa para matahimik na rin at maiayos ang kanilang mga anak?

tinignan kong mabuti ang litrato. natuon ang aking pansin sa groom na nakasuot ng barong tagalog. matikas ang kanyang pagkakatindig at napakasimple ng kanyang pagkakangiti. naramdaman ko na parang may kumurot sa aking puso. tumingin ako sa bintana ng aking kotse upang ipasantabi ang inaakala kong pagkakamali ng aking nararamdaman. muli kong sinulyapan ang litrato at muli akong dinala ng aking mga mata sa kanyang mukha. ang mukha ng aking unang pag-ibig. biglang bumuhos sa aking alaala ang aking nakaraan. ang aking nakaraan na umikot sa kanya. naalala ko ang pitong taon naming pagsasama. ang mga masasayang sandali, ang mga pagpapasakit, ang mga paghihirap at ang aming pag-iibigan na una niyang tinalikuran.

(more…)

Advertisements
 

monotonous Abril 13, 2007

Filed under: bored posts,my immortal life,onli pinoy ken rid dis,yada yada yada — nixinne @ 6:12 hapon

Napaka-monotonous naman ng daily routine ko, lalo na pag may pasok sa trabaho. kain, tulog, gising, nood ng abs-cbn soaps, check ng e-mail, bayad ng sangkatambak na bayarin, at pumasok sa trabaho.

 At least hindi monotonous ang trabaho ko sa ER. Second day ko pa lang ng orientation pero binigyan na kaagad ako ng sarili kong assigned room. Juice ko day, buti na lang sanay ako sa mga chest pain emergencies sa cardiac observation unit dahil kung hindi, nanigas na ako sa kaiisip kung ginagawa ko bang mabuti ang trabaho ko. On the other side, at least they trust my judgement and my skills. okay na rin siguro yun.  

Siguro pag nakalipat na kami ng bahay ni Mike (maybe thsi Sunday), medyo magkakaroon ako ng ibang routine. Tagal naman, excited na ako…

Oops, kailangan ko nang bumalik sa higaan. Hindi na siguro ako makakatulog pero at least, maipapahinga ko ang aking katawan bago sumabak sa isa na namang kagila-gilalas na kabanata ng aking buhay sa emergency room! 

 

maawa na kayo! Abril 12, 2007

Filed under: bored posts,onli pinoy ken rid dis — nixinne @ 3:56 hapon

tulungan ninyo akong magpost ng picture! ayaw gumana ng lintik na mga link ko eh. guto kong magpost dito ng picture pero ayaw…AYAW!!!

chico..kung mababasa mo ang panawagan ko…nakikiusap ako..naninikluhod..boring na boring na ang look ng site na ito. walang piktyur!

 

gusto ko ng barbekyu!

Filed under: food for my belly,onli pinoy ken rid dis,yada yada yada — nixinne @ 3:45 hapon

letseng buhay to. ang gusto ko lang naman ay kumain ng barbeque. yung authentic na barbekyu sa pinas. yung nabibili namin sa kanto ng asuncion at lakandula. grabe ginugutom tuloy ako. panis na yata ang kanin sa rice cooker. kailangan na namang mag-saing. ano pa bang ulam na puwede kong kainin? nagluto ako ng ginisang corned beef kahapon. nasa ref naman eh kaya hindi pa napapanis. pero gusto talaga ng barbekyu…

yun bang naaamoy mo yung usok na nagmumula sa pagpapaypay ng nagiihaw. manamis-namis sa pang-amoy at nagpapatagaktak ng pawis mo dahil nakatapat ang kakarag-karag na bentilador sa harap ng ihawan. nakikita ko pa ang tumutulong mamula-mulang sarsa na ipinapahid ng nag-iihaw sa baboy na tinuhog sa stick. naglalaway na ako sa imahe ng barbekyung aking inaasam-asam. hmmm… parang nalalasahan ko na nga sa sobrang kaiisip tungkol dito! nakikini-kinita ko pa habang dahang-dahang inaabot ng matandang nag-iihaw sa aking mga kamay ang barbekyu na medyo sunog pa ng kaunti sa dulo. napapalatak ako habang inaabot ang napakasarap na barbekyu. mainit sa pandama ng aking kamay ang supot ng barbekyu at… ay naku! tumulo pa ang manamis-namis na sarsa nito! ummmm…nakikita ko sa aking gunita na mahigpit ang aking pagkakahawak sa mainit na barbekyu. kailangan ko pang gumawa ng sawsawan at siguraduhin na mainit-init din ang mabangong kanin na milagrosa. naalala ko pa na amoy pandan ito pag naluluto na! kumuha ako ng platito. nagtaktak ng puting suka at toyo. kumuha rin ako ng bawang at akin itong dinikdik sa dikdikan. naamoy ko pa ang amoy ng bawang. matinidi sa pang-amoy ngunit hindi katulad ng sibuyas na aking binabalatan. sumisiring sa aking mga mata ang amoy at ang nakakapagpaiyak na karakter ng sibuyas. naalala ko na masakit sa mata! pero patuloy na ginawa para mabuo ang sawsawang aking ninanais para sa barbekyu. pinagsama-sama ko sa platito ang suka, toyo, bawang, sibuyas, kaunting asin at paminta. nagmamadali akong umupo sa silid kainan. nakataas ang isang paa na tulad ng isang tunay na probinsiyana. pinusisyon ko ang aking hinugasang mga kamay para damputin ang kanin at ang barbekyung aking inaasam asam. sinawsaw ko muna ang barbekyu sa aking malasang sawsawan. nagsabay-sabay sa aking panlasa ang tamis, alat, asim at init ng barbekyu. sinundan ko ito ng medyo malatang kanin . nginuya-nguya ko silang magkakasama sa aking bibig. handang -handa na akong lunukin ang napakasarap na kumbinasyon ng pagkaing pilipino nang …

letse talagang buhay to…nangangalam na ang sikmura ko e nangangarap pa ako ng gising..hay buhay… ang meron lang ako e recipe…bwisit…BWISET!!!

2 lb. pork loin or shoulder
1 tbsp. black pepper
1 c. soy sauce
1 c. vinegar
1 c. brown sugar
1 head of garlic
1 lemon
1 can 7-Up
Chili peppers

 

i love scary books and movies! Abril 10, 2007

Filed under: english alphabet,onli pinoy ken rid dis,yada yada yada — nixinne @ 7:12 hapon

i just finished watching the grudge 2. it brings back the memories of my passion for suspense/horror movies and books. I remember reading “Mga Anak ng DIlim” when i was a teenager int eh Philippines and i was scared shitless about it. I thought it was a pretty fascinating filipino horrow book. I just couldnt remember the name of the author!

Anyway, not only did i remember that book but i also remember the TV shows when i was young. This will let everybody in on how old i really am…ha ha ha! i remember Pinoy Thriller with its first line… “Ano ang nasa dako pa roon, bunga ng malikot na pag-iisip…”. And also Regal Shocker! Grabe! i used to lay down with 4 pillows around me and a blanket in my parents air conditioned room and prepare to watch regal shoclker at 9 or 10 pm. i was alone because our business is at night so they are out all the time during this time. i was scared shitless!! especially when the grim reaper comes out of its cave holding a knife then he strucks the Regal shocker book wiht the knife then it bleeds…oh my gosh!! scaredddd!

 

Alamat

Filed under: onli pinoy ken rid dis — nixinne @ 7:04 hapon

natatandaan ko pa nung bata pa ako, napakahilig kong magbasa ng libro. Lalo na yung mga alamat, pati na rin yung mga kuwento ni Lola Basyang. this is one of the alamats that i found at this site… Ang Alamat ng Buwan at mga Bituin

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga sagot.Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda.Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.

“Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina.

“Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos.

“Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.”

“Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.

“Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda..

Click here for the whole text

Haay buhay…may isa akong horror na book (nakalimutna ko na ang author) na favorite ko noon pero hindi ko na mahanap ngayon…”Mga Anak ng Dilim”..i thought it was a pretty cool book.

 

ano nga ba ang tama? Marso 20, 2007

Filed under: my immortal life,onli pinoy ken rid dis,tear jerker — nixinne @ 12:16 hapon

grabe ang kabagalan ng process sa immigration. inabot na ng dalawang taon ang ang pag preoseso ng application ko para mapalitan ang wrong entry nila sa green card ko. habang tinatagaln nila ang pag proseso, natatagalan din ang pag apply ko ng citizenship ko. kung tutuusin, hindi naman ako nagmamadali na maging us citizen, pinoy ako eh. kung puwede nga lang ba an hindi na, kaso may bubwit ako na umaasang magkakasama kami itong mga darating na taon. hind na siya bumabata. mag-sasampuing taon na nga eh, kaya mas kailangan na mapabilis ang pagiging citizen ko.

nag-usap kami ni mike nugn isang araw at alam niya kung gaano ako kalungkot na hindi ko nakakasama ang anak ko. nahahawa na rin yata sa akin at siguro dahil kahit paano nakapag-bonding sila nung bumisita kami ni mike as pinas last year, e, nagtanong kung ano ba ang mabilis na paraan para makuha namin si atong. sabi ko, pag naging citizen na ako, mas mabilis na ang proseso. kahit kailan hindi ko inasam na maging citizen sa pamamagitan ng kasal, lalo na kung iyon lang ang dahilan. matigas ang loob ko pagdating sa gnayan. matagal na akong kinukulit ng mommmy ko na magpakasal para lang mapadali ang pagiging citizen ko pero ako ang umaayaw at pinaka ayoko na sa akin pa manggagaling ang mga katagang “pakasal tayo para sa convenience ko”. i want it because i love him and not because of anything else. pero kung may mangyayaring maganda dahil magpapakasal kami, e di bonus.

at yun nga, tinanong niya ako, medyo nag hehesitate pa nga dahil baka daw hindi ko magustuhan ang proposition niya na sa judge na lang muna kami mag-pakasal kapag hindi pa naayos ang visa ko by this july. may dream wedding kasi kami eh. sayang, gusto ko sanang mag-elaborate kaya alng it will spoil the surprise element para sa future guests namin. anyway, na-touch naman ang beauty ko. nag-arko muna ang kilay ko sabay sabing, “are you serious?” pero sabi nga niya, sure na naman kami na kami na talaga, it was just a matter of time and money kaya kami naghihintay. hindi nga ba, gusto na rin niyang magbahay-bahayan?

sa mga nakakakilala sa akin, mayroong time na wala na akong inisip kungdi ang maging bride – nang kahit na sino. pero naiba ang motto ko. naging ayaw kong maging bride ng kahit na sino. pero it wouldnt hurt naman siguro kung para din naman sa kapakanan ng anak ko. itatapon ko na lang ba ang prinsipyo ko? puwede siguro. nakakatakot mang isipin na magiging “wife” na lang ako if ever we push through this small event. na “double” na ako at hindi “single”. grabe, matatali na talaga ako sa iisang tao. kahit pa one man woman ako, para bang it is going to restrict the world of possibilities. ayoko pa naman ng divorce.