bunch of nonsense

i think, therefore I am (an RN)

ang litrato Abril 16, 2007

Filed under: my immortal life,onli pinoy ken rid dis,tear jerker — nixinne @ 7:53 hapon

binuksan ko ang aming mailbox bago ako pumasok sa kotse. papunta na kasi ako sa trabaho. matagal kong hinintay ang pagdating ng sulat na galing sa pilipinas. si che-che ang sumulat sa card pero ang mga litrato ang una kong kinulimbat mula sa sobre.

dalawang litrato ang nakita ko. ang unang litrato ay si che-che sa kanyang wedding gown, ang kanyang anak, at ang aking anak na si gabriel. “nakakatuwa naman!” sa isip-isip ko. naisip ko rin na napakasaya naman nilang tignan. araw kasi ng kasal ni che-che. nakangiti pa akong sinilip ang pangalawang litrato pero hindi ko inaasahan ang emosyong pumalaot sa kaloob-looban ng aking puso at pagkatao.

ang pangalawang litrato ay ang wedding picture nina che-che at nino kasama ng kanilang mga magulang at mga anak. si nino ay ang ama ng aking anak. alam ko naman ang kanilang pagpapakasal. hindi ba’t ako pa nga ang nangungulit sa kanila na magpatali na sa isa’t isa para matahimik na rin at maiayos ang kanilang mga anak?

tinignan kong mabuti ang litrato. natuon ang aking pansin sa groom na nakasuot ng barong tagalog. matikas ang kanyang pagkakatindig at napakasimple ng kanyang pagkakangiti. naramdaman ko na parang may kumurot sa aking puso. tumingin ako sa bintana ng aking kotse upang ipasantabi ang inaakala kong pagkakamali ng aking nararamdaman. muli kong sinulyapan ang litrato at muli akong dinala ng aking mga mata sa kanyang mukha. ang mukha ng aking unang pag-ibig. biglang bumuhos sa aking alaala ang aking nakaraan. ang aking nakaraan na umikot sa kanya. naalala ko ang pitong taon naming pagsasama. ang mga masasayang sandali, ang mga pagpapasakit, ang mga paghihirap at ang aming pag-iibigan na una niyang tinalikuran.

naaalala ko pa nugn una kaming nagkakila. masaya siyang kausap kaya’t kahit na sa murang edad ay napa-ibig niya ako sa kanya. hindi ko rin malilimutan ang aming unang halik at ang mala nobelang pag-iibigan na animo’y romeo at juliet sa tunay na buhay. pilit kaming pinaghiwalay noon ng aming mga magulang. ngunit hindi kami nagpapigil. sinuong namin ang mahirap na buhay para lamang hindi kami maghiwalay. makaraan ang apat na taong pagsasama ay biniyayaan kaming anak.  pinangalanan namin siyang nathaniel gabriel. iyon na yata ng pinakamasayang parte ng aming buhay. makaraan ang dalawang taon ay nabigyan akong pagkakataon na iahon kami sa hirap sa pamamagitan ng pagpunta sa amerika. lumuluha akong iniwanan ang aking mag-ama. araw-gabi akong nagdurusa habang nag-aaral at nagtatrabaho. ngunit naging mahina si nino sa tawag ng tukso. hinid niya nakayanan ang pag-iisa. natagpuan niya si che-che makaraan lamang ang isang taon naming pagkakalayo. malalim ang sugat na kanyang iniwan sa aking puso at pagkatao. pakiramdam ko noon ay mamamatay na ang aking buong pagkatao at kaluluwa. ngunit natuto akong magpatawad at pilit na kinalimutan ang nararamdaman. pilit kong kinalimutan na minahal ko siya ng higit pa sa aking buhay. masakit ngunit nagawa ko ang magpatawad at supilin ang aking nararamdaman kahit pa nang muli kaming magkita ay sinabi niya sa akin na ako pa rin ang kanyang mahal at hinding hindi na ito magbabago pa kahit kailan. naaalala ko pang pinahid ko ang kanyang mga luha at sinabing kailangan na naming humarap sa kasalukuyan at kalimutan ang nagdaan. ang mga sumunod na taon ay naging madali sa amin dahil itinuring namin ang isa’t isa na matalik na kaibigan. magkalayo man kami ay hindi naputol ang aming pagkakaibigan sa layuning itaguyod sa pinakamabuting paraan ang aming anak na si gabriel.

ngayon, habang hawak hawak ko ang litrato ng kaniyang kasal, nakita ko na unti unting lumalakas ang patak ng ulan sa labas ng kotse.  sarado ang pinto at ang bintana ng aking kotse. ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit unti-unti ring nababsa ang litratong aking hawak…

 hindi ko namalayan na sa aking pagkakatitig sa litrato ay unti-unting bumuhos na parang ulan ang aking mga luha. naramdaman ko ang mainit na pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. nalasahan ko ang maalat na luha sa aking bibig at nakita silang pumatak sa litratong aking hawak. hindi ko inakalang mabubuksan ang matagal ko nang isinarang pahina nag aking buhay. noon ko napatunayan ang kasabihang “first love never dies” dahil nandito pa rin siya sa aking puso. hindi kailanman mapapalitan o makakalimutan ang unang pag-ibig. nabuksan ng litratong ito ang kinalimutan kong mga alaala ngunit masaya pa rin akong titingin sa kasalukuyan dahil alam kong nasaan man siya at ang kanyang puso, alam kong masaya siya ngayon kasama ang kanyang mga mahal sa buhay…

 

6 Responses to “ang litrato”

  1. oboids Says:

    Salamat po sa pagbisita sa blog ko. katatapos ko lang basahin yung artik mo..subrang lungkot..parang gusto kung manaksak ng tao..hope your feeling better. I wanted to encourage you sana..pero nde ko alam kung paano…let’s try to think happy thoughts na lang siguro…hehe

  2. nixinne Says:

    nag-iisip nga pala akong sabihin kay nino pero naisip kong isa iyong napakalaking katangahan…manggugulo pa ba naman ako?

  3. nixinne Says:

    yea…that was two days ago…i feel much better now..thanks!! i added you nga pala sa blogroll ko…i hope you dont mind!

  4. oboids Says:

    no i dont..thank you for adding me.. I’ll do the same too..sheez..i damn need to update my blogroll now..whew! It’s great to know that you feel a lot better. :p

  5. TalBodySliday Says:

    Beautiful teen girls
    http://www.porntubebestmovies3.tk

  6. Assutstreri Says:

    hmm interesting site. Are you trying to be with my ironical stick A JOKE! ) Where do polar bears vote? The North Poll.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s