bunch of nonsense

i think, therefore I am (an RN)

Ang Sanggol sa Bilbao Enero 13, 2007

Filed under: my immortal life,onli pinoy ken rid dis,tear jerker — nixinne @ 9:56 umaga

Sa Bilbao St. kami noon nakatira. Sa aking pagkakatanda, natira kami roon hanggang ako ay mag-aapat na taon pa lamang. Nagtitinda ang aking mga magulang ng kalamansi sa Divisoria.

Mabait raw ako noong sanggol pa lamang ako. Hindi raw ako pala-iyak. Basa na raw ang lampin ko ay tahimik pa rin daw ako sa aking higaan. Gutumin mo raw ako kahit na kalahating araw e hindi pa rin daw ako kikibo. Itinatali na raw ang aking paa’t kamay ay hindi pa rin daw ako umaangal.

Itinatali???

Oo. Nagkaroon daw akong yaya na nabuking ng mga magulang ko nang minsang umuwi sila ng maaga galing sa kanilang negosyo. Nakatali raw ang aking mga paa’t kamay pero nakangiti pa raw ako. Galit na galit daw ang daddy ko at nag-iiyak sa awa ang mommy ko. Imagine! Wala pa yata akong tatlong buwan noon! Sabi ni mommy, nasipa raw yata ni daddy ang yaya at pinalayas ng oras ding iyon.

Advertisements
 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s