bunch of nonsense

i think, therefore I am (an RN)

katamaran Disyembre 4, 2006

Filed under: my immortal life,onli pinoy ken rid dis — nixinne @ 5:24 hapon

oo na…tamad na kung tamad…anong magagawa ko kung talagang tinatamad ako. and gusto ko lang e umupo sa aking pedestal at tumipa ng mga letra.

mali…mali…

kahit pag-tipa…kinatatamaran ko na rin…

gusto ko lang ay umupo [o humiga] at …wala lang…manood siguro ng telebisyon. o kaya naman kung mainit sa labas, e, tumingin sa langit o sa kawalan.

kung bakit naman kasi ipinanganak pa ang tao na nangangailangan ng pagkain at ng kasilyas. kailangan ding kumayod para kumain at pagakatapos ay idudumi rin naman. ah letseng buhay to…

hindi ko naman ikinagagalit ang takbo ng buhay ko. masuwerte nga ako kung tutuusin. may kaalaman para kumayod at magkapera ng sapat (iyon e kung hindi ako tinatamad pumasok sa trabaho). kumakain ng pagkaing gusto ko. nakakapaglibot kung kailan ko gustuhin.

pero ano nga ba ang hinahanap ko? masaya ba ako? bakit parang laging may kulang. kulang ng sigla. kulang ng buhay.

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s