bunch of nonsense

i think, therefore I am (an RN)

nakakaintindi ka ba ng tagalog? Agosto 16, 2006

Filed under: onli pinoy ken rid dis — nixinne @ 1:25 hapon


nagsasawa na ako sa kaba-blog sa ingles. naubusan na nga yata ako eh…ng ingles. hamakin mo ba namang araw-araw na lang na ginawa ng maykapal e ingles na lang ang ginagamit ko. ang masakit pa nito, kahit ang mga pinoy na kilala ko dito sa knoxville e inglesera din.

nakupo!

sinasabi ko na nga ba. lumalabas na rin ang kabilang pagkatao ko. o pagkalahi? lintik. ano nga ba ang tagalog ng “my other side”? ang aking kabila? ang aking gilid?

juice mio!

pati tagalog nakalimutan ko na rin yata. pero hindi. lumalagapak na 90% at mas mataas pa ang mga grado ko sa pilipino noong nasa elementarya at hay skul (gaga! mababa at mataas na paaralan!). ang gusto ko lang namang talagang sabihin e lumalabas ang pagkabatangenyo ng manunulat (ang tatay ko batangenyo, ala eh, mala-tae!)

oops, sensord yata yun!

kaya kailangan maipakita ko sa madlang pipol na kaya ko ring sumulat sa tagalog. yun nga lang hinid ko malaman kung may madlang pipol nga ba na magbabasa ng basura, inc. biruin mo, pinangalanan ko na basura, inc ang blog na ito!

hindi mo naitatanong, (at wag ka nang magtanong, mamaya na lang) may mga oras sa buhay ko na wala akong magawa. yun bang nabablangko lang ako. yun bang, uupo ako sa harap ng kompyuter, titipa ng mga letra. pipindutin ang daga (mouse!) at titignan kung may nagkainteres na magbigay ng komento sa lichni.blogspot.com tapos pupunta sa friendster at myspace. mapapagod sa kababasa ng wala (wala naman kasing nagkakainteres na sumulat sa akin). kaya hayun, napupunta sa wala ang oras ko.

hay nakupo! nagulo na naman ang mundo ko!

siya, siya. mananahimik muna ako. malay mo mamaya lang makakaisip na naman ako ng basurang isusulat ko sa tagalog.

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s