bunch of nonsense

i think, therefore I am (an RN)

My Sweet 16 on MTV Oktubre 10, 2005

Filed under: for the record,onli pinoy ken rid dis — nixinne @ 7:34 hapon

la lang, gusto ko lang isulat na may trabaho na ako…per diem nga lang pero ok na rin…grabe ghetto ng isang type ng hospital dito…nakakapagod magtrabaho sa gabi…hindi kasi makatulog ng maayos sa umaga…ano naman kaya ng gagawin ko ngayon…teka…nasabi ko na ba nabili na ni mike ang cabin sa gatlinburg…hayun at tinatapos ang finishing touches para ma-i-pa rent na niya this weekend…on season kasi ang pagbabakasyon sa gatlinburg…fall na kasi..maganda ang view dito sa tennessee pag fall…sarap pa ng weather…di gaanong malamig…

nanood nga pala ko kanina ng my sweet sixteen sa mtv…grabe ang mga kabataan ngayon…tsk tsk tsk…sobrang spoiled…walang respeto sa magulang at walang bukambibig kundi ang pambabalahura sa magulang at pagtrato sa mga ito na parang atm machine…

anyway..idescribe ko lang pasumandali ang napanood ko…apat na episode nga yata ang napanood ko kanina…heto ang maikling decription ng katarantaduhan ng mga “rich’ kuno na mag be bertdey sa minumurang edad na disisais…

1. amanda – letseng bata ito…walang bukambibig kundi pera at pambabastos sa ama na walang ginawa kundi ang paypayan ng salapi ang mukha ng anak para hindi mag “tantrums”…libo-libong salapi ang ginasta…mantakin mong tumataginting na tatlong daan libong piso para lang sa sweet sixteen?…nakaktakot isipin kung ano ang gustong gawin ng batang ito sa kanyang dubut o kaya sa kanang kasal…sayang maganda pa naman pero mukhang madaling mahuhulog sa droga at kawalan ng edukasyon dahil walng disiplina…sa isang malaking club sa florida ginanap ang party…si ciara ang guest performer…may damit na 1800 ang halaga pero binasura sa araw ng bertdey dahil “she doesnt feel beautiful” daw…nag mamaktol pa at sa mercedes lang siya nakasakay at hindi sa limosine…

2. triplets – bitches din ang tatlong ito pero at least ok ang trato sa magulang…bitch lang sila sa isat isa…gustong magpasikat kanya kanya sa bertdey celebration na may guest na ang pangalan ay ____cult…pasensiya na hindi ko na matandaan ang pangalan eh…ginastusan ng mahigit na walumpung libo dolyares…haayyy…daig ko pa ang inuntog sa lotto…

3. cindy – eto…mukhang pinay…akalain mong ang accent ng ina ay bisaya kaya alam mong pinay…espanol nga lang yata ang ama…malinggit na bata pero nakakainis ding panoorin dahil may ugaling gaya ng number 1 (si amanda)…walang pakumadang gumasta ng salapi sa mga bagay na di naman karapat dapat…sa staten island ginanap ang bertdey sa isang excelsior something something na hotel or ballroom….naghire pa ng dancers at kabayo!…nakakainis nga lang panoorin ang ina dahil nag pi prima donna rin…

4. nakalimutan ko na ang pangalan – magarbo ito at since spanish ang pamilya, magandang bata at marunong rumespeto sa magulang…princess theme ang bertdey niya…magarbo ang gown…ganda ng entrance…may cotillon…at sa opening remarks eh may mga pictures niya…mukhang modelo…ganda ng katawan at hanep!…gusto ko ang kanyang dancing clothes!…(DI NGA LANG AKO KAKASYA!)

so yun lang…gusto ko lang i-share ang napanood ko kanina…wala namang kasing gaanong nangyari last week kundi orientation at trabaho…

hanggang sa muli!…(manonood muna ako ng maalala mo kaya sa abs-cbn now)

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s